NAGSUSUKAT pa lamang ng sapatos si Aniya sa shoe shop ng mall ay minadali na siya ni Mang Anding na bumalik sa ospital. Inatake umano ang nanay niya, hirap huminga kaya nailipat sa ICU. Pati si Nash ay nataranta. Binayaran na nito ang napili niyang sapatos. Pagkatapos ay patakbong lumabas na sila ng mall. “Relax ka lang, baka mapano ka,” sabi ni Nash nang makasakay na sila sa kotse nito. “Hindi puwedeng mag-relax lang ako habang si Nanay ay hirap na hirap na, Nash. Please, pakibilisan,” lumuluha nang sabi niya. “Hindi pababayaan ng mga doktor ang nanay mo. Tita Mildred will prioritize your mother. She promised to help you, so trust her,” anito. “Oo, pero hindi ko kayang umasa na lang doon. Kailangan naroon ako sa tabi ni Nanay. Dapat kasi hindi na ako umalis, eh.” “Sss, don’t blame y

