HINDI inapansin ni Lucian si Kimberly na kinakausap siya. Iniimbita siya nito para sa high school alumni party nila na gaganapin sa Lingo sa hotel ni Nash. Sponsor daw ni Nash ang venue. Iisang school lang kasi silang tatlo noong high school. Kahit kailan ay hindi siya nagkainteres na pumunta sa taunang alumni party. “Sorry, I’m going busy that day,” he said. Talaga namang busy siya sa Linggo. Pupunta siya sa Pangasinan. Nagbigay na kasi ng update ang agent ng investigation agency tungkol sa paghahanap sa kaniyang tunay na magulang. “Kahit for attendance lang. Marami ring naka-miss sa iyo na ka-batch natin,” pilit ni Kimberly. “Sorry hindi talaga puwede.” “Ang killjoy mo naman.” Isinara na niya ang kotse nang makuha ang kaniyang kailangan. “Excuse me, may klase pa ako,” aniya saka ini

