PAGKALIPAS ng isang buwan ay nagsilang naman si attorney Cherry isang napakalusog na batang babae. Pinangalan nila itong Blossom. Dahil sa mamula-mula nitong pisngi at sa buhok nitong sobrang kulot. "Blossom, welcome to the world, Mommy and Daddy loves you," madamdaming sabi ni Dan, habang karga ang kaniyang bagong silang na. "Saan nagmana, hon?" tanong ni attorney Cherry. "Siyempre kay Mommy…" nakangiting tugon ni Dan. SAMANTALA nagpasya si prinsesa Sorra na mas makakabuti kung soro ang paglaki ng kanilang mga anak. Upang madaling matutong maglakad at magiging matalas ang kanilang pang-amoy, pakiramdam at paningin. Dahil ayaw niyang matulad ang mga ito sa dinadaanan ng kanilang ama. Pumayag naman si Hygie sa kaniyang plano sapagkat alam niyang iyon ang makakabuti sa kanilang mga