Natawa ang mga magulang ni prinsesa Sorrangia, dahil sa takbo ng kanilang apo. Ang bawang na hilaw ang kahinaan ni Hygie Lhasty, dahil humahatsing ito nang humatsing at kapag nasayad ito sa kaniyang balat ay agad namamantal. "Hygie, isasama ba natin ang mga bata bukas?" "Oo naman, hindi sila puwedeng maiwan dito." "Mas mabuti siguro kung mag-hanap tayo ng mag-aalaga sa kanila. Mahirap kung nasa trabaho kayong pareho, suhestyon ng Inang reyna. "Uhmm… saan naman tayo hahanap, Inang?" tanong ni prinsesa Sorrangia. "Pag-uwi namin sa isla ay magpaphanap ako." "Hygie, mas makakabuti siguro kung hindi na ako magtrabaho sa kompanya. Dito na lang ako sa bahay. upang matutukan ang kanilang pag-aaral." "Sigurado ka ba diyan, Sorra?" "Oo, Hygie. Para masigurado natin ang kanilang kaligtasa