Chapter 114

2128 Words

DANAYA Nakakakilabot ang mga salitang naririnig ko habang nag-uusap ang mga lalaking kasama ko dito sa loob ng ambulansya. Mabuti na lang at wala silang kahalayang ginawa sa akin dahil hindi raw nila puwedeng gawin iyon nang hindi inuutos ng kanilang amo na si Diane. Habang papalayo sa ospital ang ambulansyang lulan ako, unti-unti akong nakakaramdam ng kaba, lalo na nang tumigil ito, pero hindi ko makita kung nasaan ako dahil may takip na puting tela ang aking buong katawan. Nagtataka ako dahil kahit ilang minuto na silang tumigil ay hindi nila binuksan ang ambulansya at nanatili lamang akong nakahiga dito sa loob. Hindi ko alam kung gaano katagal ang sandaling lumipas nang may narinig akong tunog ng parating na chopper. Alam kong malapit lang ito dahil sa napakalakas na ingay nito sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD