DANAYA Sinuyod ng aking paningin ang buong paligid ng lumang silid na kinaroroonan ko. Walang bukas na ilaw at tanging ang liwanag mula sa labas ng bintana ang tanglaw. Hindi ko rin alam kung may kuryente ba dito dahil sigurado akong dinala ako ng mga kasabwat ni Diane sa isang liblib na lugar para hindi ako mahanap agad ng aking pamilya. Ngayon ay nauunawaan ko na kung bakit nahihirapan sina Daddy na mahanap si Diane, dahil bukod sa malinis ang trabaho nila, tuso siya. Pinag-isipan at pinagplanuhan ng babaeng iyon ang kanyang bawat kilos, at wala rin silang iniwang bakas para mahanap namin ang kanyang grupo. Sa tingin ko, kasapi si Diane sa isang sindikato. Batay ito sa narinig kong usapan ng mga kumidnap sa akin, kaya hindi ako gumawa ng ingay at tahimik na pinakinggan ang kanilang us

