DANAYA Kahit maluwag sa akin ang boxer na binigay ni JC, sinuot ko na ito para may maisuot ako. Tinawag na niya ang therapist, at hindi nagtagal, may kumatok sa pintuan at pinagbuksan niya. Narinig kong kinausap ni JC ang kasambahay na pumunta dito sa silid niya kanina. Pumasok naman ang dalawang babae at agad nagpakilala sa amin, at sinabing galing sila sa isang spa center at sila ang magmamasahe sa amin. Dahil malaki naman ang kama, dito na lang daw kami magpapamasahe. Kasya naman kahit dalawa kami ni JC at sabay pa, dahil king size ito at maluwag rin. Bago magsimula, nagtanong muna si JC kung sino ang magmamasahe sa akin. Sumagot naman ang isa sa mga babaeng kaharap namin at sinabing siya daw ang naka-assign sa akin. “Please be careful with my fiancée's stomach,” sabi ni JC sa bab

