DANAYA Natigilan ako nang makarinig ako ng magkasunod na katok mula sa labas ng pintuan, kaya tinapik ko sa balikat si JC, pero tanging ungol lang ang narinig ko mula sa kanya at ayaw tumigil sa panghahalik sa leeg ko. “May kumakatok,” sabi ko sa kanya. “Don't mind them,” mahinang sagot ni JC sa pagitan ng patak-patak na halik pababa sa balikat ko. “Ang sabi ni Ninang Camilla, kailangan ko daw magpahinga,” paalala ko sa kanya. “Later, magpapahinga tayo, baby,” paos ang tinig na sagot niya at pagkatapos ay senswal na sinipsip ang balat sa aking balikat. Hindi siya umalis sa ibabaw ko kahit ilang ulit naming narinig ang magkasunod na katok mula sa labas ng pintuan. Parang wala siyang naririnig na ingay mula sa labas ng pintuan. Ipinagpatuloy ni JC ang panghahalik sa akin at paglulumi

