DANAYA Lumapit sa akin si Aryan at tinanong niya kung kumusta na ako at kung maayos ang pakiramdam ko. Nag-aalala kasi sa akin ang kapatid ko dahil nakagat ako ng aso. “Don't worry, I'm fine, Aryan.” Ngumiti ako sa kapatid ko. Ginulo naman niya ang buhok ko at sinabihan ako na alagaan ko ang aking sarili dahil mapanganib raw ang kagat ng aso. “I'm going now. Take care of yourself,” sabi ni Aryan sa akin. Nagpaalam na rin sa akin si Draven, pati na rin si Ate Sofie. Sabay-sabay silang lumabas ng silid, kaya naiwan kami dito sa loob. Kahit kinakabahan ako, lumapit ako sa asawa ko at ngumiti sa kanya. Seryoso ang ekspresyon ni JC, kaya lalo lamang akong nakaramdam ng kaba nang tumigil ako sa tapat niya at umupo sa kanyang tabi. Wala kaming imikan ni JC. Narinig ko siyang nagpakawala ng

