JC Ilang buwan ko nang hinahanap si Danaya, pero hindi ko sinukuan ang pag-asa na makikita ko siya. Lahat ay ginawa ko para mahanap siya, pero para siyang bula na naglaho at walang iniwang bakas. Kahit ang shopping mall kung saan siya huling nakita ay walang maibigay na malinaw na paliwanag kung paano nawala si Danaya sa loob ng malaking gusaling iyon at hindi na siya nakita pang lumabas. Bawat CCTV footage sa loob at labas ng mall ay tiningnan na rin namin. Sinundan ng mga private investigator ang mga kuha sa CCTV camera nang pumasok siya sa loob ng shopping mall at kung saan siya pumunta, pero bigla na lang siyang nawala at hindi na nakita. Wala kasing naka-install na CCTV camera sa huling lugar na pinuntahan ni Danaya, kaya hindi na namin siya nasundan pa. May ilang persons of inte