DANAYA Hindi ko talaga kinibo si JC kahit lumipas ang ilang oras. Sumapit na ang gabi at matutulog na kami, pero dahil nagtatampo ako sa kanya, dito ako nahiga sa kabilang bahagi ng kama. Hindi rin naman ako makatulog kahit kanina pa ako nakapikit. Hindi ako kinukulit ni JC kasi sinigawan ko siya kanina, bagay na ngayon lang nangyari simula nang magsama kaming dalawa. Ang nakakainis pa ay nagi-guilty ako sa nangyari. Ayaw ko rin namang umabot kami sa ganito, pero mainit talaga ang ulo ko sa kanya ngayon. Hindi ko alam kung parte ba ito ng pregnancy hormones ko dahil kahit anong gawin ko ay hindi mawala ang inis na nararamdaman ko sa asawa ko. Mabilis mag-init ang aking ulo sa tuwing nakikita ko siya, kaya mabuting huwag ko muna siyang kausapin. Hindi naman ganito ang ugali ko. Hindi

