JC Pinagharap ko si Doktor Bragais at Doktor Delavega. Nagturuan silang dalawa, pero may paraan ako para malaman kung sino sa kanila ang nagsasabi ng totoo. With the help of my foster sister Sofia, nabuksan namin ang cellphone na gamit ni Doktor Bragais, and from that, nabasa ko ang palitan nila ng text message ni Trixie, pati na rin kung kailan sila nagtatawagan at gaano katagal silang nag-uusap. I didn't know na may alaga pala akong ahas sa teritoryo ko. Napa-iling ako habang nakatingin kay Doktor Bragais na ngayon ay unti-unting nanghihina dahil marami nang dugo ang nawala sa kanyang katawan. “Dukutin mo ang bala sa katawan ng animal na ‘yan,” utos ko kay Doktor Delavega. “Boss, wala po akong gamit para—” Naputol ang sinasabi ni Doktor Delavega ng tapunan ko siya ng masama at nag