DANAYA Wala akong nakitang pagbabago dito sa loob ng penthouse ko kahit matagal akong nawala at hindi pumunta dito. Maging ang flower vase sa gitna at ang painting na paborito ko at binili ko pa sa Italy ay narito pa rin at hindi nagbago ang posisyon. Malinis ang buong kabahayan kahit hindi kami pumupunta dito. Makintab ang sahig at wala akong nakitang alikabok sa sala at sofa nang umupo ako. “Is there anyone here while we're not around?” tanong ko sa asawa ko habang gumagala ang paningin ko sa buong kabahayan. “Yes,” sagot ni JC. “I hired someone para maglinis dito. She's particular with all the things we have here, kaya siya na rin ang kinuha ko para alagaan ang bahay natin habang wala tayo.” “Who?” tanong ko kay JC. Wala akong ideya kung sino ang sinasabi niya dahil wala naman ako

