DANAYA Tahimik na nakaupo ako dito sa ilalim ng puno at nakatanaw sa papalubog na araw. Payapa ang buong paligid, alas singko pa lang, pero malamig na ang simoy ng hangin at naririnig ko rin ang huni ng ibang ibon na dumapo sa sanga. Mag-isa akong pumunta dito sa isla at ngayon ay nakatira dito sa bahay ni Ate Precy. Pumupunta dito sa gabi ang isa sa mga anak ng kapitbahay ko para samahan ako, hanggang sa nasanay na akong kumilos. Luckily, marunong akong magluto. Kumpleto rin ang mga gamit na iniwan dito ni Ate Precy, kaya hindi ako nahihirapang kumilos. For the past few months, I'm fighting with my own self, dahil hindi madaling talikuran at kalimutan ang lahat ng nangyari sa amin ni JC. Pero para sa anak ko, nagawa kong labanan ang depresyon at unti-unti ay natanggap ko ang lahat. M