DANAYA Naging tahimik ang buhay ko simula nang bumalik ako dito sa La Union. Naka-off ang aking cellphone, at sa madaling araw ko lang ito binubuksan, kaya nakikita ko ang sunod-sunod na missed calls mula kay JC, pati na rin ang mga text messages mula sa kanya. Isang linggo ang mabilis na lumipas. Nagpalit muna ako ng SIM card para matawagan ko sina Mommy dahil ayaw ko siyang mag-alala sa akin. Okay naman ang komunikasyon namin ng pamilya ko. Nakakausap ko rin sina Ate Precy, pati na rin ang mga pamangkin ko. Simula nang tumira ako dito sa isla, wala na akong balita kay Aidan. Ang huling natatandaan ko sa narinig kong usapan nina Mommy, Ninang Camilla, at Ninang Samantha nang yayain nila akong mag-shopping ay may babaeng binahay na raw ngayon ang magaling kong pinsan, kaya hindi na niy

