DANAYA “Dad, it's me, Danaya!” Agad akong nagpakilala sa aking ama nang sagutin niya ang tawag ko, pero biglang naputol ang tawag. “Dammit!” frustrated na bulalas ko dahil naubos na pala ang load ng cellphone na gamit ko. “Pahiram muna ng cellphone mo, Joan,” sabi ko sa kasama ko. “Wala akong cellphone, Danaya. Bawal kaming gumamit n'yan dito, maliban kay Greg, dahil siya ang contact ni boss,” paliwanag ni Joan. Mabuti na lang pala at nakuha ko ang cellphone ng lalaking iyon, kaya may nagamit ako para tawagan si Aidan. I'm just hoping na mag-return call si Daddy para makausap ko siya dahil mahalagang malaman niya na nasa paligid lamang niya ang kanyang kapatid at hawak ni Diane si Aliandrie. Nag-ring ang cellphone na hawak ko, kaya sinagot ko ito, pero nadismaya ako dahil bigla itong

