DANAYA Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong humakbang palapit sa akin si Romeo matapos niyang kausapin ang isa sa mga sundalong pumasok dito sa bahay ni Ate Precy. Pormal ang ekspresyon niya at wala akong nakikitang kalokohan, pero wala pa rin akong tiwala sa lalaking ito dahil alam kong puro siya kayabangan. Hindi ko siya kinibo nang lumapit sa akin si Romeo at tumigil sa harap ko. Alam kong nakikiramdam ang mga kapitbahay ko at naghihintay sa susunod na mangyayari dahil nakatingin silang lahat kay Romeo. “Dito ka pala nagtago sa isla, Danaya?” nakangiting sabi ni Romeo sa akin. “Sinong kasama mo dito?” Hindi ko siya sinagot. Kunot ang noo at nagsalubong ang aming mga kilay habang nakatingin ako kay Romeo. Inikutan ko siya ng mga mata at hindi nagbigay ng paliwanag sa kanya dahil