JC Sinubukan kong pumunta sa bahay ni Aryan, pero wala pala siya dito sa Pilipinas. Ang sabi ng guwardiya na nakausap ko ay umalis daw ang kanyang mga amo noong nakaraang linggo at hindi niya alam kung kailan sila babalik dito sa bansa. I assume no one knows yet about Danaya's pregnancy. Mukhang hindi niya sinabi kahit kanino ang tungkol dito at minabuti niyang umalis, pero hindi ko mahanap kung saan siya nagpunta. Nasanay ako na nariyan lang siya sa paligid ko at just one call away whenever I need her, kaya ngayon, nahihirapan akong mahanap siya dahil hindi ko na alam kung saan ko pa siya pwedeng hanapin. Kahit gabi na, dumaan ako sa paboritong pastries ni Ninang Aubrey at bumili ako ng cake para sa kanya. Lakas-loob na pumunta ako sa bahay ng mga magulang ni Danaya. Si Ninang Aubrey