DANAYA Ang daming tanong sa akin ni Ninong Declan, pati na rin ni Ninong Jared. Tahimik na nakikinig naman sa tabi ko si Daddy. Dumating rin si Ate Sofie, at pati siya ay kinausap rin nila dahil kahit gaano kahigpit ang security measures namin dito sa ospital, nalusutan pa rin kami ni Diane at ng kanyang mga tauhan. Nakikinig ako sa usapan nila at sumasagot sa ilang katanungan. Para silang mga pulis na nag-iimbestiga, at si Ate Sofie ang ginigisa. Naawa tuloy ako sa aking pinsan dahil she has to answer those questions, gayong ang tanging involved lang naman niya ay siya ang may-ari ng ospital at dito ako nakidnap ng mga tauhan ni Diane. “Let me get to the bottom of this problem, Tito Declan,” sabi ni Ate Sofie. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at may pinindot. Sandali lamang ang lu

