DANAYA Nanghina ako dahil alam kong tauhan ni Diane si Doktor Bragais. Napakahaba na ng mga buwang lumipas simula nang manganak ako, pero ngayon lang namin natuklasan ang tungkol sa ginawa niya sa mga anak ko. Sa harap ng mga tauhan ni JC, hindi ko napigilan na maging emosyonal. Napahagulhol ako ng iyak dahil ngayon ko lang nalaman na may isa pa pala kaming anak ni JC at ang masakit, hawak siya ni Diane at hindi namin alam kung anong ginawa ng babaeng iyon sa anak namin. Ang tagal kong nagluksa, pero hindi lang pala isa ang anak ko, kundi tatlo sila. Wala akong narinig na kahit ano kay JC. Katulad ko, umiiyak rin siya dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman naming dalawa. Kahit umalis na ang doktor at mga nurse na kasama ko noon sa operating room ay hindi ko na napagtuuanan ng pa

