DANAYA “What's this?” Nagsalubong ang aking mga kilay nang buksan ko ang paper bag na dala ni JC at nakita ko ang kulay pulang sauce na nakalagay sa maliit na puting plastic container. Tapos, ang isa naman ay mukhang suka dahil nanuot sa aking ilong ang amoy nito. “You said you wanted shanghai, so I brought some,” paliwanag ng asawa ko. “Ang baho naman nito! Itapon mo nga ‘yan!” Inilapag ko sa center table ang hawak kong box at mabilis na tumayo. Tinakpan ko ang aking bibig habang naglakad papunta sa banyo dahil ramdam kong naduduwal ako. Biglang sumakit ang ugat sa sintido ko matapos manuot sa ilong ko ang amoy ng pinaghalong suka at ng pagkaing dala ni JC. Hindi ko rin nagustuhan ang kulay pulang sarsa na nauna kong binuksan dahil pakiramdam ko'y nandiri ako habang nakatingin di

