DANAYA Kasama kong umalis ng penthouse si Manang para mamili ng mga food supply namin sa bahay. Kahit malapit lang ang supermarket na pinuntahan ko, apat na bodyguard ang kasama ko. Ang dalawa sa kanila ay tauhan ni Ninong Jared at ang dalawa pa ay pinadala naman ni Lolo Ruslan. Dahil wala akong dalang listahan, nanghula na lang kaming dalawa ni Manang ng mga bibilhin namin. Mabuti na rin na kasama ko siya dahil natulungan niya akong pumili ng mga sangkap at karne na puwede naming iluto sa bahay. Nasa cashier na ako nang tumunog ang aking cellphone. Tumatawag ang asawa ko, kaya sinabihan ko si Manang na siya muna ang bahala sa mga pinamili namin at sinagot ang tawag ni JC. Malakas na iyak ng aking anak ang unang narinig ko nang sagutin ko ang tawag ng asawa ko. “What happened?” nag-aa

