DANAYA Dapat, babalik na sana ako sa isla ngayong araw, pero dahil bigla akong nilagnat, kaya hindi ako pinayagan ni Mommy. Sinubukan kong magpaalam kay Daddy, pero pareho lang sila ng naging sagot ng aking ina, kaya wala akong nagawa kundi ang manatili dito sa bahay. Nagkulong na lang ako sa silid ko dahil mabigat ang aking pakiramdam. Pinilit kong kumain para makainom ako ng gàmot, at pagkatapos ay muling humiga sa kama at nakatulog. Maganda na ang pakiramdam ko nang magising ako. May mga text messages rin akong natanggap mula kay JC, bagay na pinagtataka ko kung paano niya nalaman ang number ko dahil hindi ko naman ito binigay sa kanya. Mukhang ang aking ina na naman ang may kagagawan nito. Hindi ko inaasahan na sa kabila ng nangyari sa amin ni JC ay boto pa rin siya sa lalaking iyo