DANAYA “Danaya, don't do this, please. Alam kong galit ka sa akin hanggang ngayon, but believe me, it's not really my intention. Nadala lang ako ng emosyon ko noon, kaya nasabi ko ang bagay na iyon.” Mas lalo akong nakaramdam ng kirot at sakit sa aking dibdib habang nakatingin kay JC at nakikita ko siyang nagsusumamo sa akin na para bang nagsisisi na siya. He seems not to be in a good state, pero minabuti kong magkunwaring hindi apektado sa mga naririnig ko. “I'm sorry, but it's too late for that, JC. Sumuko na ako, tapos na ang kontrata natin, kaya walang dahilan para puntahan mo pa ako dito.” Masakit para sa akin ang salitang binitiwan ko, pero nagawa kong sabihin ito kay JC. Pinalaya ko na siya at hindi na ako handang maghabol sa kanya, kaya tama lamang na tapusin na namin ang laha