DANAYA Matamlay ang pakiramdam ko nang magising ako. Dapat sana'y uuwi na kami ni JC sa penthouse, pero minabuti ng asawa ko na dito na lang muna kami sa bahay ng mga magulang ko para may kasama ako habang wala siya. Pumasok kasi siya sa opisina ngayong araw dahil may meeting siya with the investors and executives. Alam ko marami siyang trabaho ngayon dahil ilang linggo na siyang hindi pumupunta sa kanyang opisina. Karaniwan ay sa bahay na lang muna siya nagtatrabaho simula nang sumunod siya sa akin sa La Union. Gustong bumawi ng asawa ko sa akin at sa aming mga anak, kaya gusto niyang sa bahay na lang muna magtrabaho. Pero may mga pagkakataon na kailangan niyang umalis dahil mas mabuti pa rin kung papasok siya sa kanyang opisina, lalo na tulad ngayon na matatapos na ang buwan at kailan

