DANAYA Twenty-four hours na ang lumipas, pero hindi pa rin nagigising si JC. Ilang ulit na siyang sinuri ni Ate Sofie, pero hanggang ngayon, wala kaming matanggap na sagot kung bakit hindi pa rin siya nagkakaroon ng malay. Hindi ako umalis dito sa ospital at patuloy na nagbabantay sa asawa ko. Tumawag kanina si Lolo Ruslan at sinabi niya na papunta na raw dito sa Pilipinas ang mga tauhan namin na pinadala niya para maging bodyguard ko, kaya hinihintay ko lang na lumapag ang eroplanong maghahatid sa kanila dito sa bansa. Ilang ulit ko nang nakitang naglabas-masok si Ate Sofie sa loob ng ICU, pero sa tuwing tinatanong ko siya kung kumusta na ang asawa ko, wala siyang maibigay na sagot sa akin. Katulad ko, naghihintay rin siya na magising si JC. Doon pa lang daw niya masasabi kung ano ang

