Chapter 144

1905 Words

DANAYA Hindi namin naisama si Faye pauwi dahil hindi siya pinayagan ni Aidan. Alam kong gusto rin sana niyang sumama sa amin, pero mukhang kontrolado siya ng pinsan ko, kaya hindi siya umalis kahit gusto niya. Nakita kong malapit si Faye kay Janica, at kitang-kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata nang magpaalam kaming aalis at uuwi na. Hindi ko siya masisisi dahil inalagaan niya ang anak ko simula nang isilang ko si Janica, kaya napalapit talaga ang loob niya sa bata. “Are you okay, baby?” tanong sa akin ni JC. “Oo,” sagot ko habang nakaupo dito sa likuran ng sasakyan. Tahimik kasi ako dahil natutulog sa kandungan ko ang anak namin. Nagmamaneho si JC, pero ilang ulit ko siyang nahuling nakatingin sa amin sa rearview mirror. “Focus your eyes on the road, JC,” utos ko sa asawa ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD