"Wag mong sasabihin kay Tita Zia—"
"At anong ang wag sasabihin sakin?" Sabay kami napatingin ni Cynthia sa pintuan. Doon namin nakita si Tita Zia na nakataas ang isang kilay na nakatingin saming dalawa.
"Mom! Tomorrow's their prom night! At wala pang gown si Sabby!" Agad kong nasapo ang aking noo. Nagsumbong talaga siya.
"At sinong may sabi sayo?" Nagkatinginan kami ni Cynthia sa sinabi ni Tita Zia.
"You mean—"
Tita Zia cut Cynthia off. "Yes, everything's ready, Cynthia. Si Sabrina na lang ang kulang. You don't have to worry, Sabrina will be the Queen of the Night!" And Tita Zia giggled.
Napalunok ako. I think I need to ready myself for tomorrow. Tomorrow's a torture for sure!
"You should've told me, Mom," ani Cynthia. Mukha pa itong nagtatampo. Nalipat ang tingin niya sa akin. "Nakapagpaalam ka na ba sa trabaho mo? Alam na ba ng manager mo na may prom ka bukas ng gabi?"
And it hit me. Hindi pa ako nakakapagpaalam!
Pero ayos lang. Si Ma'am Yumi naman ang nandodoon eh at si Sir Brix. It'll be easy for me to ask for just a day off.
"Mamaya pa lang," sagot ko. Bahala na mamaya. Aabsent na lang ako kung sakaling hindi ako payagang may day off ng isang gabi lang. Sa Sunday pa kasi ang rest day ko at Friday bukas. Pwede naman sigurong ipalipat ko muna kahit ngayon lang ang rd ko. Edi sa Sunday, may pasok ako.
Umalis na ang mag-ina sa kwarto. Ako naman ay naligo na at nagbihis. Pagkatapos ay bumaba na rin ako. Naabutan ko ang mag-ina sa sala, nanonood ng movie.
"Aalis ka na?" tanong ni Cynthia ng mapansin ako. Tumango ako sa kaniya.
"Wala si Kuya Warren. Ako na lang maghahatid sayo." Prisinta ni Cynthia.
"Right. Cynthia, ihatid mo si Sab," saad ni Tita.
"I know, Mom. Kakasabi ko lang," sagot ni Cynthia. Nakatanggap naman siya ng kurot sa kaniyang Mommy.
"Ikaw na bata ka. Hala sige, lumayas ka na dito. Ibili mo akong pizza bago ka umuwi dito ha?" At pinagtabuyan na nga po niya ang kaniyang anak. Napakamot naman ako sa aking ulo. Kakaiba ang mag-inang ito.
"K, fine, Mommy. Sabby, tara na." Hinila naman ako ni Cynth palabas.
"Bye, Tita!" Kumaway ako sa kaniya. Ganoon din siya sa akin.
"Cynth, ingatan mo yang si Sabrina ha! Mas maganda yan sayo!" aigaw ng Mommy niya bago kami makalabas ng bahay.
"Mommy, we're both pretty! Ikaw lang ang hindi!" Balik na sigaw naman ni Cynthia. Minsan hindi ko maintindihan silang dalawa. Parang hindi mag-ina.
Sumakay na kami sa sasakyan niya. "You know what, Sab, why don't you use your car? Binigay pa naman ni Mom at Dad sa'yo 'yun nung birthday mo."
"Hindi ako marunong mag-drive," sagot ko habang sinusuot ang seatbelt. Napatingin ako sa kaniya ng bigla siyang tumawa.
"Oo nga pala! Sorry, my bad! Nakalimutan ko," aniya na patuloy pa rin sa pagtawa. "Ba't kasi hindi ka mag-aral? It's so easy kaya!"
"I have no time for that," sagot ko. Pinaandar na niya ang kotse.
"You're always like that. Why don't you make time? If you have no time, then make time. It's for you rin naman eh."
"I don't want to waste my time," sagot ko habang nakatingin sa labas.
"Hey, hey, hey. It's not that time wasting. Well, whatever, hindi ka rin naman makikinig. Kapag ayaw mo, ayaw mo. So be it." Pagsuko niya. Sumisipol pa siya habang nagmamaneho. She really knows me well.
Patuloy lang akong nakatingin sa labas. Namayani ang katahimikan sa loob ng kotse. Pero binasag din ito ni Cynthia.
"Sabby."
"Hmm?" Sagot ko nang hindi siya binabalingan ng tingin.
"I saw Xyl." This time, napalingon na ako sa kaniya.
"Not interested," saad ko at binalik ang tingin sa labas.
"He's with a girl when I saw him. And the day after, he's with another girl. And when I saw him again, he's with another girl again."
Ang sabi ko, hindi ako interesado. Napakakulit talaga.
"I don't care," sagot ko. Wala na naman dapat talaga akong pakialam sa kaniya. Buhay niya 'yon kaya bahala siya.
"Sabby," tawag niyang muli sa pangalan ko.
"Oh?" sagot ko. Itinigil niya ang kotse kaya napatingin ako sa kaniya.
"Nandito na tayo." I blinked my eyes many times. Nandito na tayo. Tumingin ako sa labas to confirm. Nandito na nga kami.
"Oh, I see. Thank you. See you later!" sabi ko at inalis ang seatbelt. Bubuksan ko na sana ang pinto ng magsalita naman siya.
"Sabby." tawag na naman niya sa pangalan ko. Tumingin ako sa kaniya at hinintay ang sunod niyang sasabihin. "Gutom na ako." I knew it.
"Sa bahay ka na kumain," sabi ko. Ibubuka na niya ang bibig niya ng magsalita ulit ako. "Ang pizza ni Tita Zia." Dagdag ko. Mukha namang naalala niya ang bilin sa kaniya ni Tita. Napasimangot siya.
"Sa susunod talaga kakain ako dyan!" aniya. Natawa na lang ako sa hitsura niya. Para siyang batang hindi napagbigyan sa gusto.
Naiiling kong binuksan ang pintuan ng kotse saka lumabas. "Salamat sa paghatid. Ingat sa pagda-drive ah."
Naka-pout siyang tumango sa akin. Sinarado ko na ang pinto at naglakad na papunta ng H'nL. Hindi pa man ako nakakalayo ay tinawag ako ni Cynthia.
"SABBY!" Sigaw niya. Lumingon ako sa kaniya. "IPAPASUNDO KITA KAY WARREN MAMAYA! WAG KANG AALIS DITO AH! BYE, BYE, SABBYYYYYYYYYYY!" Nag-thumbs up ako sa kaniya saka kumaway. Pumasok na rin naman siya loob ng kotse niya. Phew.
Pero wait. Warren? He called Kuya Warren 'Warren', it means, magkaaway ang dalawa? Na hindi naman din nagtatagal kasi mamaya lang, for sure, ay bati na rin sila.
Pumasok na ako sa loob ng H'nL. Pinacheck ko agad ang bag ko kay Kuya Rick pagkatapos ay nagdiretso sa locker ko. Kinuha ko ang aking uniform saka nagpunta sa banyo at nagbihis.
Nasa locker ko ulit ako dahil ilalagay ko naman ang hinubad kong damit.
"Himalaaaaaa!" Tumingin ako sa gawing kanan ko dahil doon ko narinig ang boses ni Ryka. "Excited na ako para bukas!" Halata naman, Ryka.
Bumalik ako sa ginagawa ko.
"Oh, wait, may date ka na ba?" tanong niya. Tumango ako sa kaniya sabay sarado ng locker ko.
Hinarap ko siya at nakitang nagulat siya sa sagot ko. "Waaahhh, sinoooo?" Tanong niya.
"Si Keith." Sagot ko. Mas nanlaki pa ang mata niya. Ano ban—
"You mean, that Keith?!"
Tumango ako.
"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHH!" Malakas niyang irit. Sa gulat ko ay tinakpan ko ang bibig niya. Bakit ba sumisigaw ang babaeng 'to?!
Tinapik niya ang kamay ko kaya binitawan ko na. "My ghaaaad! Seryoso ka?! Si Keith?!" Napabuntong hininga ako saka tumango ulit. Parang siya ngayong bulate na nilagyan ng asin.
"Miraaaa, palit tayong partner please? Crush ko si Keith eeeehhhhh!" Oh? Talaga? Kaya ganyan reaction niya?
"Hindi pwede," sagot ko. Sumimangot siya at mukhang maiiyak na.
"Bakit hindi?" tanong niya.
"Kasi ako ang niyaya niya," sagot ko. Mas lalo pa siyang nagmukhang naiiyak sa sinabi ko.
"Waaaahhhh! Ang bad bad mo, Miracle! Kailangan talagang ipamukha sakin yon? You meanie!" At pabiro pa niya akong hinampas. Hinayaan ko lang naman siya.
"Pero... pwedeng kahit picture na lang niya? O kaya naming dalawa bukas? Kahit yun na lang, Himalaaaaaaa!" aniya. Gaano ba 'to kabaliw kay Keith?
"Depende." Nangunot ang noo niya.
"Depende kung?"
"Depende kung papayag siya o hindi." Kibit-balikat kong saad.
"You're no help, Mira." She crossed her arms and kiddingly scoffed at me.
"I didn't tell you I'll help you," sabi ko naman. She lost her composure and face me angrily. She's actually funny. Natatawa na ako, for real. Ang sarap niyang inisin.
"Mira naman eh!" aniya na ikinatawa ko na.
"Fine, fine. Just kidding. I'll help you later." Natatawa kong sabi. Nagliwanag agad ang kaniyang mukha at agad akong niyakap.
"Yey! Thank you, Himala!" I tapped her shoulder. Kumalas naman din siya sa yakap.
"See you tomorrow sa prom, Mira! Sa ngayon, tara, trabaho na tayo." Tumawa siya pagkatapos. Umiiling akong sumunod sa kaniya.
"Ay, Ryka." Tawag ko sa kaniya dahil may naalala ako.
"Yessy, missy?"
"Nakapagpaalam ka na ba na hindi ka papasok bukas?" tanong ko. Gulat siyang tumingin sa akin. Alam ko na ang itatanong niya.
"Hindi ka pa nakakapagpaalam?!" I knew it.. Umiling ako sa tanong niya. Natutop niya ang kaniyang bibig saka ako kinurot sa pisngi.
"What was that for?" turan ko habang hinihimas ang pisngi ko.
"You're unbelievable, Mira." She sighed. "Pumunta ka kaagad kay Ma'am Yumi sa break mo. Papayag naman yun lalo pa't about sa school naman ang reason." Tumango ako sa kaniya. That's actually my plan.
Nag-in na kaming dalawa. Ginawa namin ang dapat naming gawin. Walang mga asungot ngayon dahil day off nina Crissa at Hailey. Sabay talaga sila 'noh? Mas mabuti na yon para dalawa silang hindi ko makikita. Mga sakit sa ulo ang way of thinking nila eh.
Buti na lang at mabait si Ma'am Yumi. Now I'm sure na papayagan niya ako na hindi pumasok bukas. Pupuntahan ko siya agad-agad kapag break ko na.
Sumapit ang oras ng break ko at dali-dali akong pumunta sa office ni Ma'am Yumi. Kumatok ako ng tatlong beses at pinapasok naman niya ako.
"Oh, Mira, anong maitutulong ko sayo?" Bungad na tanong niya. "Upo ka." Umupo naman ako.
"Thank you, Ma'am," sabi ko ng makaupo ako. "Ah, Ma'am, may prom po kasi bukas at hindi po pwedeng hindi ako pumunta dahil required. Magpapaalam po sana ako kung pwede akong lumiban bukas?" tanong ko. Tumango-tango naman si Ma'am.
"Actually, ayos lang naman sakin. Pero kasi, kakadating lang ni Sir Brix. So mas maganda kung sa kaniya ka na lang magpaalam." She apologetically smiled to me.
Parang naman akong nabuhusan ng malamig na tubig at naging yelo ang kaluluwa sa aking narinig. Like.. what the heck?! Gaano ako kamalas ngayong araw?!
"N-Nandyan na po si S-Sir B-Brix?" Nauutal kong saad. Tumango naman sa akin si Ma'am.
"Yes. Kaya mas maganda kung sa kaniya ka magpaalam," aniya.
Lumabas na ako ng opisina niya. Kung minamalas ka nga naman, oh! Bakit ngayon pa dumating si Xyl?! Jusko naman! Nakakapanggalaiti! Eh ayoko ngang makausap o makita man lang yon tapos sa kaniya pa ako magpapaalam?! For real?
Napahilamos ako ng aking mukha. Sabrina, magpapaalam ka lang. Yun lang. Wala ng iba. It's alright, okay? I said to myself. Aish. Makapunta na nga sa kaniya. It's now or never. Kesa naman sa hindi ako maka-attend? Bawas marka pa naman yun.
Nagpunta ako sa opisina ni Xyl. Kumatok ako ng tatlong beses.
"Pasok," aniya sa loob. Bigla namang kumabog ang dibdib ko. Kinakabahan ba ako? Humugot muna ako ng hininga bago pumasok.
"Good evening, Sir Brix." Magalang kong saad.
"Oh, ikaw pala, Elene," aniya. "Dala mo ba ang dinner ko?" tanong niya na ikinalaki ng mata ko. Shoot! Nasanay akong wala siya kaya hindi ko naalala.
"A-Ah, sorry po. Kukunin ko po muna sa kusina-"
"Just kidding. Kumain na ako. Anyway, ano palang sadya mo?" He casually said. "Take a seat, Elene." Sinunod ko naman ang sinabi niya.
"A-Ahm, m-magpapaalam po sana ako." Tiningnan ko siya. Nakikinig naman siya sa akin kaya tumungo na lang ulit ako. "May prom po kasi kami bukas sa school. At sa gabi po gaganapin. Hindi po kasi pwedeng hindi pumunta kaya kailangan ko po talagang dumalo. Magpapaalam po ako kung pwede po akong lumiban bukas?" Magalang kong tanong. Ganito kasi dito. Hindi ka pwedeng basta-basta na lang liliban. Kailangan mong magsabi agad para mapunan yung absence mo.
"Saan ka napasok?" tanong niya.
"Artara University po," sagot ko naman. Tumango-tango siya na waring may naalala.
"I see. Sige, pinapayagan na kitang lumiban bukas." Saad niya at saka inalis sa akin ang atensyon niya. Oh.
"Thank you, Sir Brix," saad ko saka umalis na rin doon.
Si Xyl.. He's acting differently towards me. Dahil ba yun sa mga sinabi ko? That's good. Edi hindi na niya ako guguluhin? That's great news.
Pero bakit.. bakit naninikip ang dibdib ko? Bakit ayoko ng pinakita niya sakin kanina lang? Bakit parang mali? Bakit parang may mali sakin?
Damn. This is not good.