Chapter 13 Ace Lawrenz's POV; Napatakip ako sa ilong ng pagbukas ko ng pinto bumungad samin ang sobrang nakakasulasok na amoy. Parang nabubulok na laman na hindi ko maintindihan. "Rawwr!" "Sssss.." Ani nina King at Alfonso ng may marinig kaming yabag mula sa madilim na bahagi ng silid. "Oras na po ba ng pagkain."ani ng isang mahinhin na boses ng malapit na ito samin mabilis kong hinarangan si Mitzy. "Nagugutom na po kasi ako."dagdag nito na kinatagil namin. Isang bata. "Bakit ka nakakulong dito?"tanong ko na kinatingin niya sakin. Sobrang dumi niya at punong puno ng dugo ang suot nitong damit at short. "Wala po ba kayong dalang pagkain?"tanong niya na tila wala itong balak sagutin ang tanong ko. "Kayo po ba ang pagkain na pinadala sakin?"tanong niya kasunod ng pagbabago ng mat