"Alexander, lingo kasi bukas..." Sinadya ko siyang pasukin sa kanyang study isang gabi. Busy siya at mukhang may inaaral sa sandamakmak na mga papeles sa kanyang desk. "And?" hindi man lang niya inaalis ang tingin sa gawain. Ngayon ay nasa laptop naman ang kanyang atensyon. "Magsisimba sana ako..." Natigil siya sa ginagawa at sarkastikong ngumisi. Bumaling siya sa akin. "Doon ba kayo magkikita ng lalaki mo? Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Anong... "S-Sinong lalaki... magsisimba lang ako bukas, Alexander." Iyon ang totoo. "Tss." wala na siyang sinabi pagkatapos noon. Mahina akong napabuntong hininga at lumabas nalang. Hindi ko alam kung pinayagan niya ba ako ngunit umaga kinabukasan ay naligo ako't nagbihis ng isang dress na hanggang tuhod ang haba. Lumabas ako sa aming kuwar