Tulala ako sa aking repleksyon sa salamin. I was already in my wedding dress. Simple at natural looking din ang pagkaka-makeup sa akin. At alam kong naghihintay na sa akin ang mga imbitado sa simbahan. Si Inigo. "Celine," narinig kong tawag sa akin ni Auntie Meridel. Pumasok siya sa room at dinungaw din ang reflection ko sa malaking salamin. She smiled. "You're so beautiful, hija." inayos niya ng konti ang sinadyang takas kong buhok. My hair was up in a messy bun. Ngunit hindi ganoon ka messy. Maayos parin at sadya lang talagang ginulo ng konti para magbigay ng karagdagang istilo. "Let's go?" aniya. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa harap ng tukador. Ngunit nanatili lang akong nakatayo doon kaya binalikan ako ni Auntie at bahagyang pinangunutan ng noo. "Is there something wrong, hija

