Alexander was about to open the room's door for me, nang kusa itong bumukas. Bumungad sa amin ang isang matangkad na lalaking doktor. Base sa suot nitong puting lab gown. Bahagyang nangunot ang noo ko. Lalake pala ang OB ni Camille? "Uh," hindi ko halos malaman ang sasabihin. "She's inside." anang doktor. Tumango ako at tumabi na ito para tuluyan kaming makapasok ni Alexander sa loob. Naabutan ko si Camille na nakasandal sa headboard ng kanyang hospital bed at nasa bisig ang isang newborn baby. Lumapit ako sa kama niya at dinungaw ang baby na nabalot sa kulay pink na lampin. Napangiti ako. "Congratulations, Camille." sabay ngiti ko sa aking kaibigan at inayos ang mga takas niyang buhok. Medyo nanghihina pa siyang ngumiti din pabalik sa akin. "Salamat, Celine. Ikaw din. Congrats sa n

