Halos makalimutan ko na ang excitement ko sa pagpapaalam kay Alexander na nagkakilala kami ni Auntie Meridel. Napalitan 'ata ito ng mas matinding excitement sa narinig ko. "But Alexander how about the-" boses iyon ni Dave na agad pinutol ni Alexander. "I'll make it up to her. Babawi ako sa lahat ng mga pagkukulang ko sa kanya. Sa kasalanan ko..." Narinig ko ang mabigat na pagbubuntong-hininga ni Dave. "Mas mabuting aminin mo sa kanya at sa 'yo mismo manggaling kaysa sa iba pa niya matuklasan ang katotohanan-" "Tayong apat lang naman ang nakakaalam nito, hindi ba? Except if one of you will turn your back at me." mariing sinabi ni Alexander. "Ang sinasabi ko lang ay aminin mo mismo kay Celine! Karapatan niyang malaman ang katotohanan." si Dave. Kumunot ang noo ko. Anong katotohanan ang

