IMBES na sa Palasyo sila nagdi-dinner ngayon, heto nasa ospital siya para dalawin si Colton. Bitbit niya ang french fries na binili niya pa niya malapit sa ospital. Nagugutom na siya pero gusto niyang makita si Colton at kumustahin. May malaking damage sa likurang bahagi ng sasakyan nito dahil sa dump truck na bumanga dito. Buti na lang nakatalon ang binata mula sa sinasakyan nito at sasakyan lang nito ang nagrabe ng truck na iyon. Pagdating niya sa silid ni Colton ay tulog ito. Tanging nurse lang at isang ginang ang naabutan niya. Kaagad siyang nagpakilala dito. Hindi naman siya nahirapan dahil kilala na pala siya nito. Marahil sa mga litratong naka-post sa social media. "Siguradong matutuwa ang anak ko kapag nakita ka dito, Miss Legaspi." Alanganing ngiti ang binigay niya sa ginang.