NAGHAHANDA siyang umalis noon nang makatanggap nang tawag sa ina. Gusto siyang isama nito sa bahay ng grandparents niya para dumalaw. Linggo ng hapon naman daw ang alis kaya pumayag siya. Saka hindi naman hectic ang schedule niya ngayong buwan. "I'm done!" Napatingin siya kay Madeleine nang marinig ang boses nito. Nakapaglagay na ito ng kolorete sa mukha. Doon na lang daw ito magbibihis sa bahay ng mga Russo. Nagpaalam naman siya kay Ara na isasama si Madeleine at pumayag naman ito. Buti na lang may nakita pa si Madeleine ng costume kahapon kaya may maisusuot ito. Nakita na niya ang susuotin niya dahil nai-send ni Ara nitong nakaraan. Alas singko sila ng hapon nang umalis sa condo papunta sa bahay ng mga Russo. Pero pagdating doon, si Akhira lang ang naabutan niya, naghihintay ito sa k