SAMANTALA… "MASYADONG occupied ang isip mo nitong nagdaan, anak." Napabaling si Cinderella sa ama na noo'y tumigil sa pagsubo. Nakatingin pala ito sa kanya. Paanong hindi mapapatigil ang ama, nilalaro niya lang ang hotdog ng tinidor. Malapit na ngang madurog nang hindi niya namalayan. Ilang araw na siyang nag-iisip sa totoo lang. Hindi na nawala sa isip niya ang binata dahil sa narinig na pakikipag-usap nito sa telepono, huling gabi nila noon ni Zale sa bahay ng mga Russo. Inabot lang naman ng apat na araw bago siya pinauwi ni Zale. Nire-schedule daw ang appointment nito sa Macau kaya hindi siya nito pinauwi gaya nang napag-usapan nilang dalawa. Ginamitan na naman siya nito ng magic banta kaya napapayag siya. Nilatagan siya nito ng mga latest photo ng Ate Eloise niya na nasa US. At