SAGLIT na pinasadahan ni Zale nang tingin ang papel at litrato na nilapag ni Mauro sa kanya. “‘Yan lang po ang nakuha namin na impormasyon sa kanya.” May bago kasing kasambahay sila sa bahay. At nasa protocol na iyon nila na kilalanin ang bawat kasambahay na kinukuha. Tumango lang siya kay Mauro. Umalis na ito sa harapan niya at nagpasyang lumabas. At akmang isasara nito ang pintuan nang tawagin niya. Naalala niyang may iniutos siya kanina dito. “Naipadala mo ba ang mga bulaklak?” “Yes, boss.” “Good.” Kaagad na binuksan niya ang telepono at hinintay na dumating ang mga messages. Napangiti siya nang makita ang text ng kaibigan. Kaninang umaga pa iyon pero dahil ngayon lang siya nagbukas, ngayon lang din niya nabasa. Sinadya niyang ‘wag buksan ang telepono dahil gusto niyang matulog m