Chapter 33 ZIAH POV Gabi na at tahimik kaming lahat nandito sa loob ng sala. Napakatahimik at walang nagsasalita, lahat kami ay malalim ang iniisip. Nagpadala ng spy ang headmistress sa kuta ng mga black wizards. Dumating rin kanina ang headmistress at nagulat kami sa pinaalam niyang balita. Nasa kamay nga daw ng black wizards si Tanya ngayon, mismong nasa kamay ng taong gumawa sa kaniya. Hindi kapani-paniwala. Pinilig ko ang ulo ko ng bigla kong naalala 'yong nangyari kanina, walang hiyang Zed Chandel yun. Kapag nakita ko siya idederetso ko na siya sa lupa, deretso ko na siyang ibabaon doon ng buhay. "Nakakunot noo ka" pagpansin sa akin ni Donna pero umiling lang ako. *Boogsh* Isang malakas na pagsabog ang narinig namin at nagkatinginan kaming lahat. Dali-dali kaming tumayo.