Chapter 22 Tanya pov Papunta ako ngayon sa garden. Lonely. Joy and ziah are busy because of I don't know why too. Di pa ako gaanong nakakalapit sa garden ng may napansin akong bulto ng tao na nakasandal sa ilalim ng puno Well, kapag school days ay bihira lamang itong puntahan ng mga estudyante, o kung tutuusin nga ay hindi na nila ito pinupuntahan at iilan lamang ang pumupunta rito dahil nakalocate ito sa likod na parte ng akademya. Kung tutuusin ay mayroon namang malawak na park sa gitna ng akademya at ilang mga bleacher at iba pang tambayan na kung saan doon pinipili ng mga estudyanteng manatili kapag free time nila. Habang naglalakad ako palapit ay mas nararamdaman ko ang ang presensiya ng taong nandoon. Hindi ko maiwasang mapakunot ang noo ng maramdaman ko ang isang pamilyar na pr