NATAGPUAN ng mga tuminging maggagamot sa braso ni Hestia ang isang karayom. Labis na nagtaka si Count nang iabot ito sa kaniya at malaman na galing ito sa braso ni Hestia. Wala namang sinabi ang mga ito ngunit alam niyang mayroong mali sa bagay na iyon. Nagmamadali siyang bumalik sa kanilang puwesto upang sabihin ito kay Serenity. Pansamantala niya munang iniwan si Hestia sa kanilang mga kasamahan, tiyak naman siyang magiging ligtas ang babae at hindi pababayaan ng mga kasama. “Serenity,” tawag niya sa asawa nang makalapit at hinawakan ito sa braso. “Look what I found.” Inilahad niya ang kaniyang palad na mayroong karayom. “What? Anong meron sa karayom na ‘yan?” Hindi nito masiyadong pinagtuunan ng pansin ang kaniyang sinabi dahil abala ito sa pagmamasid sa kanilang mga kalaban. Kaunting