PAGKATAPOS ng naturang pagpupulong sa loob ng malaking library ay nagpaalam si Jime kay Count na magtutungo sa silid ni Lady O upang bisitahin ito. Batid ni Count na hindi nais magpapasok ng asawa ng kahit sino sa silid nito ngunit ngayong araw ay pumayag siyang papasukin si Jime. “Kausapin mo muna siya, makatutulong daw ‘yon para maging mabilis siyang gumaling.” Tumango si Jime at ngumiti bago tuluyang pumasok sa loob. Si Count naman ay nagtungo sa ibaba upang maghanda ng makakain para sa asawa. Ipagbe-blender niya ito ng prutas upang magkaroon ito ng maraming bitamina sa katawan at mabilis na gumaling. Nakipagkuwentuhan pa siya sa mga kasambahay sa kusina kaya naman natagalan siya sa ibaba. Maya-maya ay umakyat na pabalik sa silid dala-dala ang maliit na tray na may lamang inumin at pa