HANGGANG sa makarating sila sa sementeryo ay hindi pa rin nababanggit ni Count ang nais na pagsubok ng asawa gumamit ng pregnancy test ngayong araw. Pagdating sa museleyo ng mga magulang nito ay ikinabigla ni Count ang naabutan. “What’s happening here?” takang tanong niya nang makita ang ilang mga kalalakihan na naghuhukay sa puntod. Ibinaling niya ang tingin sa asawa na bahagyang nahuli ng hakbang sa kaniya. “Ipinahuhukay ko ang puntod ng papa,” maiksing tugon nito at saka sinimulang pagmasdan ang mga taong binayaran upang hukayin ang bangkay ng sariling ama. “Bakit? Ililipat mo sila?” She shook her head in disagree. “Balak kong magpa-DNA test sa bangkay na nasa libingan ng papa at sa ‘kin. Gusto kong malaman kung siya nga ang nasa hukay, dahil kung oo... sino ang lalaking iyon na ma