“VIGAN?” tanong ni Gino. Inulit niya lamang ang sinabi ng kasamahan sa bagong grupong kinabibilangan. Mayroon siyang natanggap na balita mula sa kabilang grupo at labis siyang nagtaka rito. “Magtutungo sila sa Vigan? At ano namang gagawin nila roon?” Nagkibit balikat ang lalaki. “Hindi ako sigurado pero iyon ang narinig ko,” tugon nito, “Ang hirap sumagap ng impormasyon sa loob ng grupong ‘yon. Hayaan mo at susubukan ko pang alamin. Ngunit kung totoo man, anong plano mo, Pinunong Gin?” Nais nitong malaman ang kaniyang plano dahil kabilang ito sa grupo ng mga tauhang pinahahawak sa kaniya ng pinakamataas na pinuno. Binigyan siya ng isang grupo ng mga tauhan na hahawakan. Malaking bagay ito para sa kaniya dahil kapangyarihan ang tawag dito. Mayroon siyang mga tagasunod, samantalang noong n