Episode 120

1050 Words

HINDI maalis sa isip ni Winona kung gaano naging makasarili ang panganay na kapatid at hindi na inisip ang nararamdaman niya. Simula nang mamatay ang kanilang mga magulang ay hindi na siya naging permanente sa Pilipinas. Halos linggo lamang ang itinatagal niya at saka itatapon ng kapatid pabalik sa ibang bansa nang sapilitin kahit na labag sa kaniyang loob. Nais mang makasama ang panganay na kapatid ngunit hindi magawa dahil ito mismo ay tila pinagtatabuyan siya. ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ Maraming beses niya na ring itinanong ang dahilan sa pag-alis-alis niya ng bansa ngunit wala siyang nakuhang sagot. Hindi iyon makatarungan para sa kaniyang halos lumaki na sa ibang bansa at malayo ang loob sa sariling kapatid. Hindi niya tuloy maiwasang itanong sa sarili kung mahal nga ba siyang talaga nito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD