LABIS na nagtataka si Gino sa naging reaksyon ni Lady O nang makita ang tunay na mukha ng kanilang pinuno na si Gerald. “Bakita kaya parang gulat na gulat siya?” Hindi niya mapigilan ang sarili na isipin ang tungkol sa bagay na iyon. Makailang ulit niya nang naitanong sa sarili ang bagay na iyon. Talagang duda siya sa naging reaksyon ni Lady O. “Hindi kaya magkakilala sila noon pa?” Napatango siya sa sariling katanungan. Sinimulan niyang isara ang zipper ng kaniyang maleta. Balak niya nang bumalik sa Manila at tumiwalag sa grupo ng Omega, wala naman kasi siyang napapala rito. Kaya nga lamang ay naghihintay siyang makabuwelo. Lumabas siya ng silid ng inookyupang kuwarto. ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ “Pinunong Gin, itinakbo raw po sa hospital si Jime. Nabalitaan n’yo na ba?” Sinalubong siya n