KUNG saan-saan napadpad si Count para lamang maghanap ng mga kulang na ingredients sa lulutuin niyang sopas. Inabot siya ng higit isang oras para lamang humanap ng mga iyon ngunit nang mabigo ay naisipang tawagan ang asawa. Tila ata hindi nakikisama ang gabing ito sa kaniya, paano ay malas-malas siya. Nabutasan pa ng gulong sa paghahanap. Maigi na lamang at may dala siyang sariling mga tools, spare tire at marunong magpalit ng gulong dahil kung hindi ay tiyak na magpapasundo siya sa mga tauhan sa ganitong oras. “Count, nakapagluto ka na ba?” Napangiwi ang kaniyang mga labi. “Not yet, nasa labas pa ako at naghahanap ng kulang na ingredients. Pupwede bang bukas na lang nang umaga? I’m really sorry, Sweetheart, wala talaga akong mapagbilhan ng ilang mga kulang. Hindi sila nakikisama.” Mal