Vigan City, 10:49 in the evening... Pabagsak na nahiga sa kama si Count dahil sa matinding pagod. Napakarami pa nilang dinaanang importante. Dinaanan din nila ang mga kagamitan na magagamit nila sa misyon tulad ng baril at kung anu-ano pang mga high-tech na kagamitan. “Damn, I’m so tired. I need a long sleep.” Ipinikit niya ang mga mata. Ang asawa naman ay naupo sa gilid ng kama malapit sa kaniyang mga paa at sinimulang hubarin ang kaniyang mga medyas. “Sorry, you got tired. Kailangan ko talagang madaanan ang mga warehouse na ‘yon para sa malalaking mga bagong kahon-kahong armas at kalakal na maiuuwi ko mula sa India.” Pagkatapos hubarin ang medyas niya ay nag-unat ito ng mga braso. “Hindi naman ako ang nagmaneho pero parang pagod na pagod din ako.” Nagmulat sjya ng mga mata at tinig