IBINABA ni Gino ang sunglass na nasa kaniyang ulo pagkalabas ng airport. Kagagaling niya lamang sa ibang bansa kung nasaan ang ilan sa kaniyang mga kamag-anak. Personal niyang sinadya ang mga iyon sa Japan upang humingi ng tulong at hindi siya binigo ng mga ito. Pagbalik niya sa Pinas ay mayroon na siyang sandamakmak na pera. “Kaunting paawa lang, may pera na,” aniya sa sarili. Kung alam niya lamang na ganoon lamang kadali kumita ng pera ay matagal niya nang ginawa. Hindi na sana niya kinailangan pang makipagkasundo sa pinuno ng Omega. Ang akala niya naman kasi ay nakatatakot ito. Hindi naman pala. Masiyadong pipitsugin at walang kwenta! Hindi na sana siya nagtiis sa pamumuno nito. Marahan niyang hinagis-hagis ang susi ng kotse na inarkilahan niya. “Gotcha!” Naglakad paalis upang kunin ang