IKANATUTUWA ni Serenity na mukhang hindi masiyadong nagalit si Count kahit matagal na pala nitong alam ang tungkol sa pagpapanggap niyang paralisado. Laking pasasalamat niya na lamang at kahit hindi pa nito naririnig ang paliwanag niya ay hindi naman ito nagtanim ng sama ng loob, iyon ay dahil naniniwala si Count na may mahalaga siyang dahilam kung bakit nagawa iyon. Kilala naman kasi siya nito, hindi siya gagawa ng kalokohan kung walang magandang maidudulot. Ikinatutuwa niya rin ang naturang punishment na ibinibigay nito sa kaniya. Sa lahat ng parusang maari niyang matanggap sa kaniyang buhay ay ito ang kaniyang pinakagusto. Kaya niyang gumawa ng maraming kalokohan kapag ganito ang lahat ng parusang ipapataw sa kaniya. Hindi naman halata ano? Tuwang-tuwa pa kasi siya habang sinasampal n