"SO what will happen now?" tanong sa akin ni Uncle Rei. Pareho naming nilingon sina Audrey at Orion na nasa terrace ngayon at naglalaro. Honestly, bilib ako kay Orion. He is willing to play dolls with his daughter. Sana ay ganito siya lagi at hindi ngayon lang dahil kakikilala lang nilang mag-ama. H'wag sanang nagpapa-impress lang siya sa anak niya. I hope he really loves Audrey and he's willing to do everything for her happiness. "Will you be co-parents to Audrey? O ang bata ang magiging daan para magsama kayo ulit? Kasal pa naman kayo." Napatingin ako kay Uncle Rei. "Mukhang malabo na po yata ang pangalawa. We already talked about it. Pareho kaming sang-ayon na ipa-annul na ang kasal namin. So probably, magiging mga magulang na lang kami ni Audrey." "Iyon ba talaga ang gusto mo?" H

